Wednesday, May 26, 2010

Duwag ka ba sa pag-ibig?

Matapang ka ba sa ibang bagay pwera sa pag-ibig?

Ikaw ba yun tipong kunwari masaya, tawa ng tawa o kaya patawa ng patawa sa iba pero pag mag-isa na eh lumalabas na lahat ng nakatagong lungkot sa puso?

Nagdalawang isip ka na ba kung gagawin mo ang isang bagay o hindi...yun tipong, naiipit ka sa isang bagay na pwedeng makapagpasaya sayo pero pwede din makasakit sayo?

Natakot ka bang subukan ang isang bagay kasi baka maulit ulit yun dati?

Kung puro oo ang sagot mo sa mga tanong ko, malamang oo din ang sagot mo sa tanong ko sa title ng blog na 'to...

Eh bakit nga naman kasi hindi? Nakakatakot naman talaga ang magmahal. Kasi sabi nga nila, pag nagmahal ka, hindi pwede na hindi ka masasaktan...

Pero iba iba naman kasi ang klase ng sakit. Meron sakit na pag tinulog mo, kinabukasan hindi na ganun kasakit...meron naman na taon bago mawala...may mababaw...may malalim....

Ano nga ba talaga dapat? ang matakot na lang magmahal o sumubok ulit kahit pa masaktan? Kung ako yun tatanungin, kahit iyakin at sobrang balat-sibuyas ako, pipiliin ko pa din yun pangalawa....bakit?

...kasi masarap magmahal...masarap mahalin...masarap magbahagi ng sarili mo sa isang tao, masarap mag alaga, masarap pag may nag aalaga sayo.

...kasi hindi mo malalaman hanggat hindi mo sinusubukan...parang sugal...kelangan may itaya ka, bago mo mapanalunan ang premyo....

...kasi hindi nakadepende ang buhay mo sa nakaraan...kelangan mo bigyan ng pagkakataon ang sarili mo na maging masaya, kahit gano ka nasaktan noon...iba pa din ang bukas sa kahapon..

Dati duwag din ako sa pag-ibig. Siguro lahat ng tao, duwag naman talaga sa pag-ibig. Pero ang sabi nga nila..."true love is worth all the pain, the long wait and it conquers all, including fear"...ayan, ingles na at mahirap i-transalate sa tagalog :)

No comments:

Post a Comment